Lahat naman tayo ay makakaranas ng pagtanda. Ito ay natural na bahagi ng ating buhay at makikita ang mga epekto nito sa ating katawan. Isa sa mga problemang lumalabas ay mga kulubot sa mukha dala ng proseso ng pagtanda. Paano ba ito maiiwasan?

Ano ang Wrinkles O Kulubot Sa Mukha?

Dala ng pagtanda, maari kang magkaroon ng mga maninipis na kulubot sa mukha o ang tinatawag na wrinkles. Depende sa iyong edad at exposure sa mga nakakapagpabilis ng pagtanda, iba iba ang maaring maging hitsura ng mga kulubot sa iyong balat. Kadalasan ang mga kulubot na ito ay makikita sa mukha, leeg, at braso.

Sino-sino ang maaaring magkaroon ng wrinkles? Dahil bahagi ito ng natural na proseso ng pagtanda, lahat tayo ay makakaranas nito kapag tayo ay humantong na sa matandang edad. Ngunit, maaring mas maagang lumabas sa isang tao ang mga kulubot na ito kung sila ay:

  • Palaging nakabilad sa direktang sikat ng araw.

  • Palaging naninigarilyo.

  • Bawas ang collagen level sa katawan.

Ang hitsura ng kulubot sa mukha o wrinkles ay kamukha ng mga linya sa iyong palad. Bukod sa mga linyang ito, ang wrinkles din ay nakapagdudulot ng paglaylay ng balat, lalo na sa bandang pisngi at braso. Higit ding kapansin-pansin ang mga kulubot na ito sa mukha tuwing nababatak ng pag-ngiti at pagsimangot.

Bakit Ako May Kulubot Sa Mukha O Wrinkles?

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon agad ng kulubot sa mukha ang isang tao. Narito ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagtanda agad ng balat:

Pagbaba ng Cell Turnover

Higit na bumabagal ang paggawa ng ating katawan ng bagong cells kapag tayo ay tumatanda. Nababawasan ang turnover ng mga cells ng balat kaya numinipis ang mga layers nito at nagiging iba ang hitsura kumpara sa mas makinis na anyo nito.

Kaunting Collagen Level Sa Balat

Nababawasan din ang level ng collagen na nasa katawan ng tao dala ng pagtanda. Ang collagen ay isang klase ng protina sa katawan na nagbibigay ng elasticity at tibay sa balat. Kaya naman ito ay importante kung nais mong magkaroon ng nakababatang hitsura. Dala na rin ng pagbaba ng cell turnover, nababawasan ang natural na paggawa ng katawan ng collagen kaya nakakaapekto din ito sa consistency ng balat. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kulubot sa mukha dala ng pagtanda.

UV Radiation Mula Sa Sinag Ng Araw

Bukod sa mga nabanggit, bumibilis din ang pagtanda ng balat kapag palaging direktang nasisinagan ng araw ang balat. Ang ultraviolet radiation mula sa araw ay nakapagdudulot ng premature aging o maagang pagtanda ng balat. Itong UV radiation na ito ay pinupuntirya ang collagen fibers sa katawan at nagreresulta sa paghina ng mga fibers na ito at pagkakaroon ng pagkulubot sa balat.

Pagbanat Ng Facial Muscles

Tuwing tayo ay ngumingiti o sumisimangot, nababanat ang balat sa ating mukha. Kapag palagi itong nangyayari, unti-unting nababanat ang balat at nagiging kulubot ang itsura kapag nagtagal. Isa sa mga unang bahagi ng mukha na nagkakaroon ng wrinkles dahil dito ay sa bandang noo, sa gitna ng kilay, at sa gilid ng mga mata.

Paninigarilyo At Polusyon

Ang labis na paninigarilyo ay nakakapagpahina ng natural regeneration ng balat. Nahihirapang gumawa ang balat natin ng collagen kapag labis ang paninigarilyo ng isang tao. Dahil dito, higit na dumadami ang mga kulubot sa mukha.

Ang polusyon din sa hangin ay nakakapagpabilis ng pagtanda ng balat. Pumapasok sa pores ng ating balat ang mga pollutant gaya ng usok at dumi na nakakapagpahina sa collagen ng balat.

Paano Mabawasan at Maiwasan Ang Pagkakaroon Ng Kulubot Sa Mukha?

Ang wrinkles o kulubot sa mukha ay dala ng pagtanda ng balat. Kapag tumatanda, nagiging mas manipis ang balat kaya madaling nagkakaroon ng mga kulubot na ito. Nababawasan din ang moisture content at elasticity ng balat kaya lalong kapansin pansin ang wrinkles.

Mairerekomendang gumamit ng anti-aging products ang mga taong edad 25 pataas para maagapan ang mga simtomas ng pagtanda ng balat. Labis itong makakatulong para mabawasan at mapabagal ang pagkakaroon ng wrinkles o kulubot sa balat.

Narito ang ilan sa mga paraang tiyak na makatutulong sa iyong mabawasan at maiwasan ang pagkakaroon ng kulubot sa mukha.

Gumamit ng Tamang Skincare Products

Maraming skincare products ang maaring bilhin sa mga physical at online na tindahan. Pero, tandaan na ang mga ito ay tatalab lamang kung ang mga gagamitin mong produkto ay hiyang sa iyo. Siguruhing pipili ng produkto mula sa katiwa-tiwalang brand at formulated gamit ang mga active ingredients na makakatulong makabawas sa epekto ng early aging sa iyong balat.

Gumamit ng Moisturizer

Isa sa mga skincare products na dapat pagtuonang pansin ay ang moisturizers. Kapag dehydrated ang balat, mahihirapan itong i-repair ang kaniyang cells kaya nagkakaroon ng mas malubhang epekto ang UV radiation at iba pang environmental factors.

Kailangang araw araw maglagay ng moisturizer para mabawasan ang dryness at manuot ang hydration hanggang sa malalalim na layers ng balat. Dahil dito, mas magmumukhang malusog ang iyong balat.

Ang paggamit ng moisturizer araw araw ay makakatulong din mapaganda ang texture ng balat at maiwasan ang breakouts at pimples.

Uminom ng Maraming Tubig

Kaakibat ng pag-moisturize ng balat ay ang pagpapanatili ng hydration pati sa loob ng katawan. Kailangang uminom ng sapat ng baso ng tubig araw araw para mapanatiling maayos ang kondisyon ng ating balat. Bukod pa dito, mainam ang pag-inom ng maraming tubig para sa pangkabuoang kalusugan natin.

Umiwas sa Direktang Sikat ng Araw

Ang UV rays mula sa sikat ng araw ang isa sa mga nakapagpapabilis ng pagtanda ng balat. Kung hindi maiiwasan ang direktang sikat ng araw, siguruhing nakasuot ka ng sombrero at mahabang damit tuwing lalabas para maiwasang direktang masinagan ng araw ang balat. Bukod pa dito, kailangan ding maglagay ng sunscreen na may SPF 30 o pataas sa balat para may proteksyon ka sa UV rays.

Oral Supplements

Maari ring gumamit ng mga oral supplements para mapaganda ang ating balat. Isa sa mga tinatangkilik para mabawasan ang wrinkles ay ang pag-inom ng collagen supplements.

Collagen: Para Sa Nakababatang Itsura

Gaya ng nabanggit, malaki ang epekto ng collagen para maiwasan ang maagang paglitaw ng wrinkles sa balat. Napakaraming collagen proteins ang naiipon sa ating katawan at ito ang bahala sa elasticity at support ng balat.

Ang building blocks na ito din ang bumubuo sa hanggang 80% ng protein sa ating balat. Kaya naman, ang patuloy na pagliit ng bilang ng malusog na collagen sa katawan ay talagang makakaapekto sa hitsura ng ating balat.

Collagen Supplements

Dahil sa epekto ng collagen sa pagbabawas ng kulubot sa balat, maraming tumatangkilik sa husay ng mga collagen supplements.

Ang collagen ay hindi na-aabsorb ng balat kapag pinapahid ito tulad ng mga lotion at cream. Kaya naman, ang mga collagen supplements ay ginawa upang inumin at higit na epektibong ma-absorb ng ating katawan.

Isang kilalang collagen supplement ay ang Gloww Collagen. Ito ay isang daily supplement na ginawa para mabawasan ang kulubot sa balat. Ang Gloww Collagen ay mayroong Collagen hydrolysate (Verisol) na naghahatid ng ligtas at epektibosng dosage ng collagen.

Ang paggamit nito ay makakatulong pagandahin ang texture ng balat, panatilihin itong hydrate, at mabawasan ang patuloy na pagdami ng wrinkles.

Paano Gumamit Ng Collagen Para Sa Kulubot Sa Balat?

Pinakamainam agapan ang kondisyon ng iyong balat. Nagsisimulang mabawasan ang natural collagen supply ng katawan sa edad na 25. Kaya dito rin pinakamairerekomenda na magsimulang gumamit ng collagen supplement gaya ng Gloww Collagen.

Higit na ma-aabsorb ng iyong bituka ang collagen mula sa supplement kung ito ay iinumin sa umaga. Kapag wala pang laman ang sikmura, mas mabilis ma-absorb ang active ingredients ng supplements.

Konklusyon

Bahagi na ng ating buhay ang pagtanda at mga pagbabago sa ating katawan. Pero, hindi ito nangangahulugang kailangang magtiis sa wrinkles at kulubot sa mukha. May iba’t ibang paraan upang maiwasan at mabawasan ang pagkakaroon ng ganitong hitsura sa balat. Kabilang na dito ang paggamit ng tamang skincare products at moisturizers. Para naman mapanatili ang mainam na level ng collagen, maaaring uminom ng mga collagen supplement gaya ng Gloww Collagen.

References:

Article Reviewed by: Dr. Mary Amy Fatima Cagayan Chua