Napapansin mo ba ang mga maliit na brown spots na lumilitaw sa iyong balat, lalong lalo na sa iyong mukha? Ang mga spots na ito, na kilala bilang melasma o pekas sa mukha, ay bahagi ng natural na proseso ng pagtanda. Ang melasma o pekas sa mukha ay isa sa pinaka-karaniwang skin conditions ng nararanasan ng mga Pilipino dahil sa ating skin type at ating klima. Sinasabing ang porsyento ng mga taong nagkakaroon ng ganito sa Southeast Asia, kung saan kabilang ang Pilipinas, ay nasa 40% para sa mga kababaihan at 20% naman sa mga kalalakihan. Karaniwang makikita sila sa mga lugar ng balat na labis na nae-expose sa araw, tulad ng mukha, mga kamay, at balikat. Ngunit kahit ito ay natural na lumilitaw habang tayo ay tumatanda, madalas ang malala o malubhang pagkakaroon ng pekas sa balat ay nakakaapekto sa ating kompyensa at tiwala sa sarili.

Ano nga ba ang melasma o pekas sa mukha?

Ang melasma ay isang uri ng pigmentation disorder na nagiging sanhi ng mga dark spots o patches sa mukha, lalo na sa mga pisngi, ilong, noo, at labi. Ang mga ito ay maaaring lumitaw bilang mga brown, gray-brown, o blue-gray na mga spot na nagdudulot ng hindi kapani-paniwala at hindi kasiya-siyang hitsura ng balat.

Sanhi ng Melasma o Pekas sa Mukha

Ang melasma ay sanhi ng pagtaas ng melanin, ang pigment na nagbibigay kulay sa ating balat. Kahit na ang melasma ay kondisyon sa balat lamang at hindi delikado sa ating kalusugan, maaari pa rin itong magdulot ng di-kasiya-siyang epekto sa pisikal na hitsura at kumpiyansa ng isang tao. Paano at bakit nga ba nagkakaroon ng pekas sa mukha o ang tinatawag nating melasma?

Pabago-bagong Level ng Hormones o Hormonal Imbalances: Isa ito sa pinakakaraniwang sanhi ng pagkakaroon ng pekas sa mukha. Karaniwang dahilan ng pagbabago sa level ng hormones ay ang pagbubuntis (mask of pregnancy),  pagkakaroon ng mga sakit na dulot ng hindi balanseng hormones o madalas biglaang pagtaas o pagbaba ng level ng hormones sa katawan ng isang tao tulad ng polycystic ovary syndrome (PCOS) o mga problema sa thyroid. Ang paggamit din sa mga pills at iba pang hormonal contraceptives at hormonal therapy ay maaring makaapekto sa ating hormones at magdulot ng labis na produksyon ng melanin, na nagreresulta sa paglitaw ng mga dark spots sa balat.

Labis na exposure sa UV radiation: Ang UV o ultra-violet radiation ay ang ilaw na nanggagaling sa araw. Bagamat ito ay may magandang dinudulot sa ating kalusagan at paligid, ang sobrang exposure o pagbibilad sa araw ay maaring makaapekto sa ating balat. Ang matinding pagka-expose sa araw na walang sapat na proteksyon, tulad ng hindi paggamit ng sunscreen o pag-iwas sa araw, ay maaaring mag-trigger ng pagbuo ng mga dark spots sa balat. Nagiging aktibo ang mga melanocytes na nanggagaling sa melanin upang protektahan ang ating balat mula sa sun damage.

Genetics: Isa sa mga karaniwang skin conditions ng mga Pilipino ang pagkakaraoon ng melasma o pekas sa mukha. Bukod sa ating klima, ang ating skin type na Phototype IV o kayumangging balat ang nagdudulot ng mas madalas na paglitaw ng mga pekas sa ating balat.

Maling Paggamit ng mga Produkto sa Balat: Ang maling paggamit ng mga produkto ay maaring maging sanhi ng iritasyon sa ating balat na maaring dahilan nang mas mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng hyperpigmentation.

Mga Solusyon sa Pekas sa Mukha

Hindi madalian ang proseso sa pag-alis o pagbawas ng pekas. Kinakailangan ang pagkonsulta sa mga specialist o dermatologist upang malaman ang mga angkop na gamot para sa melasma o pekas sa mukha.  Ang treatment plan para sa ganitong kondisyon ay kailangang akma sa iyong lifestyle, uri at dahilan ng melasma. Madalas sa mali o hindi hiyang na mga gamot o therapy ay mas lumalala ang hyperpigmentation o nagkakaroon pa ng mga adverse side effects hindi lamang sa balat, kundi sa kabuoang kalusugan. Kinakailangan ding malaman kung mayroon bang underlying condition upang mas mabigyan ng tamang gamot at nang maging epektibo ang treatment plan para sayo.

Sun Protection: Ang paggamit ng mga iba’t-ibang sun protection ang pinakamadali at importanteng paraan sa solusyon at pag-iwas sa mga pekas sa balat. Siguraduhin ang paggamit ng mga sunscreen na may mataas na SPF. Gamitin ito araw-araw, ma-araw man o maulap. Ugaliin din ang pagsuot ng mga sumbrero o proteksyon sa katawan para maiwasan ang labis na pagkabilad sa araw.

Skin Lightening Treatments:  May mga dermatological treatments na maaaring makatulong sa pag-alis ng mga dark spots. Kasama dito ang mga chemical peels, laser therapy, at microdermabrasion. Sa chemical peels ay nagkakaroon ng pagpapalit sa layer ng balat kung nasaan ang discoloration o hyperpigmentation na dulot ng melasma. Sa laser therapy naman ay tinatarget nito ang mga melanin deposits kaya mas nababawasan ang laki ng pekas sa mukha. Ngunit sa mga ganitong proseso ay siguraduhin na may gabay o consultation na galing sa mga dermatologist. Maaring magkaroon ng mga side effects tulad na lamang na pamumula, mas mabilis na pangangati, pagbabalat o pagiging mas sensitibo ng balat. Kinakailangan din na consistent o patuloy ang sessions para sa laser therapy.

Topical Treatments: Marami ding available na topical treatment o pamahid bilang gamot sa hyperpigmentation sa balat. Ang ilan sa mga ito ay mabibili lang over-the-counter, ngunit siguraduhin pa din ang tamang pagkonsulta at gabay mula sa mga certified dermatologists.

  • Hydroquinone: Isa sa pinaka-epektibong solusyon sa melasma ay ang hydroquinone. Ito ay isang uri ng skin-lightening agent na kung saan ay binabawasan nito ang produksyon ng melanin sa balat. Mahalaga na kumonsulta muna sa dermatologist dahil ang sobra at maling paggamit nito ay may side effects na skin irritation at ochronosis.

  • Retinoids: Ang retinoids ay maraming magandang epekto sa balat. Ito ay nakababawas sa brown spots, nag-ppromote ng skin cell turnover o pagpapalit ng layer ng balat kung nasaan ang hyperpigmentation, pag-sstabilize sa sobrang produksyon ng melanin, at pagpaparami naman sa collagen production. Ang paggamit ng retinoid cream sa balat ay maari nga lamang magsanhi ng skin dryness at irritation. Importanteng unti-untihin ang paggamit nito at sabayan ng sun protection lalo na sa mga sensitibong balat. Hindi rin ito advisable sa mga nagbubuntis at breastfeeding mothers. Mabuting ikonsulta sa inyong dermatologist kung nais gumamit nito.

  • Vitamin C Serums: Ang vitamin C ay nakakatulong sa skin brightening, pagbabawas ng oxidative stress at pagpapantay ng skin tone. Binabawasan din nito ang labis na produksyon ng melanin at pagkakaroon ng bagong hyperpigmentation kaya ito ay mabisang paraan para sa pagliit ng melasma sa balat. Kung sensitibo ang balat, mas maigi munang kumonsulta sa mga dermatalogist at wag kalilimutan ang pag-gamit pa rin ng sun protection tulad ng sun screen upang mas optimal ang paggamit nito.

Oral Treatments: Bukod sa mga pamahid, meron ding mga gamot o supplement na maaring inumin para mabawasan ang pekas sa mukha.

  • Oral Tranexamic Acid: Ang tranexamic acid ay tumutulong sa pag-regulate ng melanin production at pagbabago sa physical appearance ng balat. Pinapahinto nito ang activation ng Plasmin na kasama sa menanin synthesis. Dahil dito ay nababawasan ang paglitaw ng mga brown spots sa balat. Ito rin ay nakatutulong sa pamamaga dahil sa kanyang anti-inflammatory properties.

  • Glutathione Supplements: Isa sa mga kilalang supplement para sa mas pantay at healthier-looking skin ay ang mga glutathione supplements. Ang gluthathione ay natural na nagagawa sa ating katawan ngunit ito ay ginagawang supplement dahil sa skin-lightening effects at anti-oxidant properties na dulot nito. Sinasabi ring ito ay nakakaapekto sa collagen production na importante sa pananatili ng elasticity at overall-health ng balat,

  • Pynocare: Marami na ang mga available at OTC na mga gamot para sa pekas sa mukha. Mas mabuti nang gumamit ng mga produktong siguradong safe, effective and clinically-proven. Ang Pynocare ay oral supplement na FDA-approved na medikasyon para sa mga pekas ng balat.

Ang Pynocare ay isang food supplement na binubuo ng natural na sangkap tulad ng Pycnogenol, isang uri ng pine bark extract na nagpapababa ng pigmentation sa balat. Ito ay may mga natural na sangkap tulad ng procyanidin, betacarotene (vitamin A), ascorbic acid (vitamin C), at d-alpha-Tocopheryl Acetate (vitamin E). Ang mga natural ingredients na ito ay tumutulong sa melanin production at sumusuporta sa kabuoang skin health. Ang procyanidin ay mayroong antioxidant at anti-inflammatory effects. Ang vitamins A, C, at E naman ay antioxidants. Binabawasan nito ang oxidative stress na maaring magdulot ng mga sakit sa balat gaya na lamang ng hyperpigmentation o melasma.

Ang regular na pag-inom nito, dalawang beses sa isang araw, ay maaaring makatulong sa pagpapaliit ng melasma at pagpapanatili ng malusog na balat. Importante na hingiin pa rin ang gabay ng mga eksperto tulad ng mga dermatologist para mas maigi at epektibo ang solusyon sa melasma o pekas sa mukha.

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng pekas sa mukha ay kadalasang hindi maiiwasan lalo na sa mga nagbubuntis, gumagamit ng mga hormonal treatments at kung ito ay namamana (genetics). Ang labis na exposure din sa araw nakakaapekto sa severity ng ganitong kondisyon. Ito rin ay may posibilidad para sa reoccurence or pabalik-balik na kondisyon habang tayo ay tumatanda. Pero tandaan na marami tayong mga epektibong solusyon o paraan para mabawasan o maibsan ang hyperpigmentation o discoloration na dulot ng mga pekas sa balat, lalo na sa mukha. Isa na rito ang pynocare na FDA-approved at siguradong safe at effective bilang gamot sa pekas.

Hindi man nagbibigay ng malubhang sakit ang mga pekas sa balat at natural man itong nangyayari ay maari pa rin nitong maapektuhan ang ating kompyensa at tingin sa ating mga sarili. Mahalagang alagaan ang ating mga sarili at bigyan ng pansin maging ang overall health ng ating balat. Harapin ang mundo nang may kompyensa at pagmamahal sa sarili. Alagaan ang balat, alagaan ang sarili.

References:

Article Reviewed by: Dr. Mary Amy Fatima Cagayan Chua